3. Of a person: that engages in an activity or occupation by night; preferring to be active at night.
Sigarilyo, ang itawag mo sa akin.
Sunday, March 29, 2009 “Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan.
In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!”
~Bob Ong
***
*ring*
UFO #1: “yosi tayo”
UFO #2: “wag na, ngquit na ako”
UFO #1: “since when? sige na, wala akong ka-yosi”"
UFO #2: “eh, nandito magulang ko”
UFO #1: “sabihin mo magtatapon ka ng basura o magtatanim sa labas”
UFO #2: “magtatanim… tanginang dahilan yan. gago, next time nalang…”
***
Ginagamit na madalas na dahilan ang stress sa pagyoyosi. Ngunit, kailangan bang parati yosi ang excuse para magusap ang dalawang taong ito? este UFO pala. Puro usok lang ang yosi, nagbibigay ng pandaliang ginhawa pero pagkatapos ng pinakahuling hithit, mararamdaman mo na paonti-onti bumabalik ang stress sa iyong isip. Sa dalawang UFO na ito, tama na ang paggawa sa yosi bilang dahilan para magusap kayo. Di na kayo simpleng batang UFO na naglalaro at lumulutang sa buwan na parang walang problema sa mundo. Magdagdag man lang kahit kape at bagel, di naman nakakabusog ang yosi, puro hangin na walang ibang lalabasan kundi sa bibig o sa pagutot. Napansin ko, kakaiba ang post na to. Mala-tipong “for your eyes only”. Eh ganon talaga, leche kasi ang sigarilyo. leche talaga.
That is all.
Adieu.
Previous Comments
ako rin, miski ako tntry ko talaga itigil kaso ang hirap eh… bumabalik parang isang gagong ex… haha… pero nakakagago talaga ung doktor mo hah, the heck miski siguro ako mapapaiyak rin at magwawala siguro… sa ganda mo, ang layo sa pagiging sunog baga… buti di mo chnurva ung doctor mo… haha
Posted by thenocturnal at March 29, 2009, 10:16 ambwhahah! ay nakow nagwawala ako sa radiology nun kase pinapabalik pa ko the next day for the official result. tapos inagahan ko syempre nung sunod na araw. tapos ampotek hintayin ko daw mga 5PM kase inuuna daw yung mga CTScan. ay nagwala na ko talaga, di na nga nila ko pinatulog tapos mgpphintay pa ng matagal. sabi ng ate ko (doktor po kase sya) kunin ko na lang daw yung film tapos pabasa na lang nya sa radiologist nila.
kung kani2no na ko pinasa ng mga tao sa clinic kase wala na gusto kumausap sa kin dahil nagwawala ako. ayun nahinto ako sa utility at tanging nasabi lang nya “mam eto na daw po ang result” (sabay bigay sa kin ng official result) wahahahah!
NEGATIVE nman pala sa TB ang bwiset.
sori ang haba ng comment ko haha
Posted by AC at March 29, 2009, 2:46 pmmabaho ang amoy pero gustong gusto nating hithitin, mas mabaho pa nga sa ebak. Sosyal daw kapag nagbubuga ng usok, ibig sabihin sosyal din ang factory at tambutso?
Posted by kayumanggingdamdamin at April 1, 2009, 8:11 amminsan tlga kelngn ng yosi para pangpacalma… *NO PUN…
haha
Posted by thenocturnal at April 4, 2009, 6:01 amang tagal ko na niwiwish magquit ha. pero talagang parte na sya ng buhay ko. malaking chunk ng puso ko ang sya ang may hawak. haha! joke!
@ AC: lolz ka pwre. Wala kang kupas.
@Nocturnal and AC: kahit na galit na galit kayo sa yosi at the end of the day sa mga panahong parang isang dahon na lang ang babagsak at magugunaw na ang mundo.. eh talaga namang mapapasindi ka ng isa.
Iba rin ang epekto sa akin ng yosi sa totoo lang…kaya ayan.. pati title ng blog ko kasama sya!
Posted by Drama Queen at April 4, 2009, 5:07 pmmga walangya ahahaha, i know napabili nanaman ako ng yosi nung isang araw, waaaaaaaah anu ba to, ang lamig sa labas pero kinakaya ko alang alang sa yosi… NAX. LOL… pwede nio na akong barilin lmao
Posted by thenocturnal at April 5, 2009, 2:40 am








ang tagal ko na niwiwish magquit ha. pero talagang parte na sya ng buhay ko. malaking chunk ng puso ko ang sya ang may hawak. haha! joke!
pero dai nagstop ako ng mga ilang araw. kase yung shungaks na doktor nagkamali ng basa sa xray ko. may butas daw ang lungs ko. ako naman si iyak kase ibig sabihin nun TB. sus, isolated ako ng mga ilang buwan nun kung ngkataon. tsk.
teka nga, add na kita sa blogroll ko. hehehe.
Posted by AC at March 29, 2009, 9:50 am